Kakaibang prenuptial shoot ang ginawa ng magkasintahan sa Bogo, Cebu. Agaw-pansin ang tema at ang lugar ng event dahil ginawa ito isang sementeryo.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, batay sa impormasyon ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, sa sementeryo pinili ni Neftaly Mangubat at Michael Vincent Cortez na gawin ang kanilang prenup dahil paalala raw ito na sila ay habang-buhay na magsasama.
Anila, itim ang kulay ng kanilang tema dahil sinisimbulo nito ang madidilim na yugto na kanilang nalampasan sa anim na taong relasyon.
Mula sa kasuotan, make up, at props, mistulang literal na “‘til death do us part” ang set up ng kanilang prenup.
Nakatakdang ikasal si Mangubat at Cortez sa ika-8 ng Oktubre ngayong taon. —Alzel Laguardia/LBG, GMA News