Muling binaha na may kasamang putik ang ilang lugar sa Banaue, Ifugao kahit hindi pa nakakabawi ang mga residente sa flash flood noong nakaraang linggo.

Sa Unang Balita nitong Miyerkules, mapapanood sa isang video na nagmistulang lawa ng tubig baha na may kasamang putik ang isang kalsada nitong Martes ng gabi.

Sa isa pang video, makikita ang pagragasa ng baha sa kalsada.

Dahil sa baha, stranded ang ilang mga residente at motorista.

Kasalukuyang nagsasagawa ng clearing operations ang mga awtoridad at mga residente. —Jamil Santos/LBG, GMA News