Kinansela ng Land Transportation Office (LTO) ang mga driver's license ng tatlong rider na nag-viral sa social media. Nakita sa video ang tatlo nagmamaneho nang pagewang-gewang at walang suot na protective gear gaya ng helmet.

Nakunan ng video ang tatlo sa kalsada ng Biñan, Laguna na pagewang-gewang ang takbo. Bukod sa walang suot na protective gear, mayroong pang blinkers at sirena ang kanilang mga motorsiklo.

Sa ulat ni Glen Juego sa dzBB Super Radyo, sinabi na ipinag-utos ni LTO Director Clarence Guinto ang pagkasela sa lisensiya ng tatlo.

Guilty umano ang talo sa reckless driving, hindi paggamit ng helmet, paggamit ng hindi awtorisadong plaka, at paglalagay ng illegal accessories.

Bukod sa kanselasyon ng lisensiya, pinagmumulta rin ang tatlo ng tig-P13,500. Dapat din nilang isuko sa tanggapan ng LTO ang kanilang mga driver’s license. —FRJ, GMA News