Hindi na nakalabas na buhay mula sa kanilang kinaroroonang hukay ang tatlong construction workers sa Barangay Patabog, Mulanay, Quezon dahil umano sa suffocation.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, kinilala ang mga biktima na sina Jesus Loresto, Macmac Largo, at Petzandi Azuelo

Ayon sa mga awtoridad, mahigit pitong metro ang lalim ng hukay na pagtatayuan sana ng haligi ng tulay.

 

Naisugod pa sa ospital ang mga biktima, pero namatay din kalaunan dahil sa sinasabing gas at chemical poisoning.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. —LBG, GMA News