Patay ang 55-anyos na lalaking naghuhugas ng pinggan sa labas ng bahay nang masalpok ng truck sa Labo, Camarines Norte.
Naghuhugas sa labas ng kanilang bahay ang biktimang si Dante Villamarso nang biglang dumating ang pagewang-gewang na truck at nasalpok.
Nadala pa sa ospital si Dante, pero nasawi rin kalaunan.
Hindi na nagsampa ng kaso ang pamilya ng biktima. —LBG, GMA News