Isang sanggol na dalawang-buwang-gulang na dinapuan ng COVID-19 ang pumanaw sa Dagupan City, Pangasinan.
Sa ulat ni Jasmin Gabriel Galban sa GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Miyerkules, sinabi ni Dr. Ophelia Rivera, Dagupan City COVID-19 Focal Person, na mayroong heart disease at may sintomas ng COVID-19 ang sanggol.
"May congenital health disease, mayroon siyang COVID, mayroon siyang sintomas. Considering yung condition...hindi na kinaya ng katawan niya," ayon kay Rivera.
Sa pinakahuling monitoring ng local IATF, mayroong mahigit 500 na aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Pero hindi umano ang pagkakaroon ng kompirmadong kaso ng Omicron variant ang dahilan ng pagtaas sa kaso ng hawahan sa lungsod. --FRJ, GMA News