Ilang mga residente sa Davao City ang na-trap sa kanilang mga bahay makaraang makaranas ng pagbaha dahil sa malakas ng mga pag-ulan sa ilang mga lalawigan sa Mindanao. 

Ayon sa ulat ng "Unang Balita" nitong Huwebes, umakyat na ang mga residente sa kanilang mga bubong dahil hindi parin humuhupa ang baha kahit na wala ng ulan.

Nangangamba rin sila sa possibleng pagtaas pa ng baha kasabay ng pagapaw ng Davao River.

Samantala, baha rin ang ilang baranggay sa Matina at Makaka. Patuloy ang rescue operations sa mga residenteng na-trap sa kanilang mga bahay, gamit ang rubber boats.

Nagka-landslide naman sa General Santos City matapos ang ilang araw ng pag-ulan.

Tinatanggal na ang gumuhong lupa na bumara sa isang creek dahil posibleng magdulot ito ng baha kung maiipon at maaaring umapaw ang tubig. —Sherylin Untalan/LBG, GMA News