Nasa kustodiya ngayon mga awtoridad ng Lucena City si Lopez, Quezon councilor Manuel Arkie Yulde, 50-anyos, matapos itong arestuhin noong September 20, 2021.
Nasaresto si Yulde sa loob ng kanilang tahanan sa bayan ng Lopez dahik umano sa kaso ng pagdukot at panggagahasa.
Sa bisa ng ng dalawang arrest warrant na inilabas ni Judge Roselyn C. Andrada ng Branch 53 ng Regional Trial Court, Rosales, Pangasinan, inaresto si Yulde ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Sinampahan ng reklamo si Yulde matapos umano nitong dukutin at gahasain ang isang 18-anyos na babae na pamangkin ng kanyang kinakasama.
Ayon sa tala sa ng korte, si Yulde ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5 (b) Article 111 of Republic Act 7610 docketed under Criminal Case No. 7344-R, at kidnapping and serious illegal detention with rape sa ilalim ng Criminal Case No. 7345-R.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng konsehal.
Inakusahan si Yulde ng isang dalagita dahil sa paulit-ulit umanong panggagahasa habang siya ay ikinulong ng konsehal mula Abril 17 hanggang Abril 22 nitong taon sa isang hotel sa bayan ng Rosales, Pangasinan.
Ayaw magpa-interview on-cam si Yulde, ngunit sa off-cam interview ng GMA News sinabi nitong gawa-gawa lamang ang lahat ng akusasyon laban sa kanya ng kanyang mga kalaban.
Aniya, hindi daw totoo ang mga bintang sa kanya. Kung totoo daw na may complainant ay bakit hindi ito makalabas at makaharap sa korte.
Bakit daw ni minsan ay hindi siya nakatanggap ng subpoena upang ibigay ang kanyang panig. Bakit daw warrant of arrest nalang ang nakarating sa kanya, aniya.
Noon pa man daw ay matindi na ang demolition job na ginagawa sa kanya dahil sa kanyang prinsipyo at paninindigan sa pulitika, dagdag pa niya.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga opisyal ng CIDG Quezon sa pagka-aresto kay Councilor Yulde. —LBG, GMA News