Isang babaeng naiulat na nawawala sa Catbalogan, Samar, ang natagpuang patay at puno ng saksak ang katawan nitong nakaraang weekend.
Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, aabot sa 37 ang tinamong saksak ng biktimang kinilalang si Margie Monarba.
Kuwento ng live-in partner ng biktima, huli niyang nakita si Monarba noong 4 a.m. ng Sabado bago ito umalis para buksan ang tindahan nila sa palengke.
Kalaunan, sinabi ng nanay ng biktima na wala sa tindahan ang kaniyang anak.
Natagpuan ang bangkay ni Monarba Sabado ng hapon. —KBK, GMA News