Isang improvised zipline ang ginagamit ng mga residente sa isang barangay sa Silay, Negros Occidental matapos masira ang kanilang tulay.

Sa video ng GMA Regional TV One Western Visayas, na mapapanood sa GTV "Balitanghali" nitong Biyernes, makikita na itinali ng mga residente ng Barangay Hawaiian ang isang ataul sa zipline para maihatid sa paglalamayan.

Ang naturang zipline din ang ginagamit ng mga residente, kahit na ang mga bata matapos masira ng flashflood ang kanilang tulay.

Sinabi naman ng mga opisyal ng barangay na naiulat na nila ang sitwasyon sa national government.

Gayunman, naantala ang paggawa ng tulay dahil sa pandemic.--Jamil Santos/FRJ, GMA News