Naranasan ng ilang residente sa La Paz, Abra ang pag-ulan na may kasamang butil ng yelo.
Sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Miyerkules, sinabing nagulat ang mga residente ng Barangay Malabbaga sa malalaking patak ng ulan.
Nang kanilang suriin, nakita nila ang butil ng yelo na kasinglaki ng sago.
Nangyari daw ang hail strom na tumagal ng 20 minuto matapos ang malalakas na pagkulog at pagkidlat.
Samantala, iniulat sa GMA News "24 Oras" ng Kapuso meteorologist na si Nathaniel "Mang Tani" Cruz, na bukod sa mainit na panahon ay dapat din paghandaan ang mga pag-ulan na dulot ng intertropical convergence zone (ITCZ).
Magpapaulan ang ITCZ sa malaking bahagi ng Mindanao, maging sa Visayas, at ilang bahagi ng Luzon. --FRJ, GMA News