Nakatakdang dumating ngayong araw ng Biyernes ang Sinovac vaccine para sa mga health worker ng Marawi City  at Lanao del Sur.

Ipinahayag ng provincial heath officials ng Maguindanao na dumating kahapon ang 4,200 doses ng Sinovac anti-COVID vaccine sa Cotabato Airport, at para ito sa Buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, o BARMM.

"The Chinese-manufactured vaccines arrived on a Philippine Airlines plane that landed in Awang Airport in Cotabato and was received by BARMM acting Health Minister Dr. Ameril Usman, provincial health officials of Maguindanao, and UNICEF representatives," ayon sa mga opisyal.

Ayon Kay Atty. Naguib Sinarimbo ng Ministry of the Interior and Local Government ng BARMM, ang mga vaccine ay ipamimigay sa mga sumusunod: 1,400 para sa Maguindanao; 972 sa Lanao del Sur; 278 sa Basilan; 1,032 sa Sulu; at 518 sa Tawi-Tawi.

Dagdag niya, ang bakuna na dumating ay sasapat  lamang para sa 2,100 health workers, dahil ang bawat isang health worker ay tuturukan ng dalawang beses matapos ang una, at ang pangalawa ay pagkatapos ng 28 days.

Ang BARMM ay may kabuuang 20,000 health workers  sa limang  probinsiya, at mga syudad ng Marawi sa Lanao del Sur, Lamitan sa Basilan, at Cotabato na kasasali lamang sa rehiyon.

Dagdag niya, ang vaccines for health workers ng Cotabato City ay kasama sa  biniling bakuna para sa Region 12.

Ang mga vaccine ng health workers ng Amai Pakpak Medical Center sa Marawi ay kasama sa Region 10 or Northern Mindanao.

Ayon Kay Dr. Alinader Minalang, deputy ng IATF ng Lanao del sur at IPHO ng probinsya, ang mga vaccine ay darating ngayong araw ng Biyernes galing sa Cotabato. —LBG, GMA News