Inilabas na ng Philippine Marine Mammal Stranding Network (PMMSN) at ng Bureau Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang resulta sa ginawang necropsy at mga pagaaral sa dahilan ng pagkamatay ng 14 na Fraser's dolphin sa Del Gallego, Camarines Sur noong January 26, 2021.

Lumalabas na maaaring impact umano ng dynamite blasts ang pinakaposibleng dahilan ng stranding ng 25 dolphins at ang pagkamatay ng 14 sa kanila lalaunan.

Photos from BFAR
Photos from BFAR

 

Nakita ng mga scientist na maganda o malusog ang mga dolphin. Malakas na impact dulot  ng dynamite blasts ang maaaring sanhi ng pagkamatay ng mga ito.


Matatandaang 25 na Fraser's dolphin ang napadpad sa baybayin ng Barangay Magais 1, Del Gallego, Camarines Sur noong January 26, 2021.

Una nang sinabi ni Ms. Nonie Enolva, Information Officer ng BFAR Region 5 na dynamite blasts ang sanhi ng pagkamatay ng mga dolphin dahil makikita naman kaagad sa physical na kondisyon ng mga ito.

Talamak umano ang dynamite fishing sa Ragay Gulf.

 

January 27 ng magsagawa ng necropsy ang PMMSN sa pangunguna ni Dr. Lemnuel Aragones ng University of the Philippines.

Sina Guinayangan, Quezon Mayor Cesar Isaac at Del Gallego, Camarines Sur Mayor Melanie Abarrientos ay nangako na mas paiigtingin pa ang kanilang kampanya laban sa iligal na pangingisda sa Ragay Gulf upang mapigilan ang ganitong pangyayari. —LBG, GMA News