Arestado ang isang jeepney driver dahil sa paulit-ulit na panggagahasa umano sa kaniyang hipag sa San Jose del Monte, Bulacan. Ang biktima, sinimulang halayin noong 10-taong-gulang pa lang.
Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Miyerkoles, sinabing 2008 nang simulang halayin ng suspek ang kaniyang hipag na noo'y 10-anyos pa lang hanggang sa maging 17-anyos na ito.
Umamin ang lalaki sa krimen at sinabing pinagsisisihan niya ito.
Sinampahan siya ng 12 counts ng kasong qualified rape, at nakakulong na ngayon. --Jamil Santos/FRJ, GMA News