Patay ang dating alkalde ng Lasam, Cagayan at tatlong iba pa matapos silang tambangan at pagbabaril sa Barangay IBJ sa nabanggit na bayan.
Sa ulat ni Carlo Mateo sa Super Radyo dzBB nitong Lunes, kinilala ng pulisya nasawing dating alkalde na si Marjorie Salazar, na kasalukuyang miyembro ng Sangguniang Bayan.
Patay din sina Eduardo Asuten, John Rey Apil, at Aiza Manuel.
FLASH REPORT: Isang dating alkalde ng Lasam, Cagayan at 3 iba pa, patay sa nangyaring pananambang. | via Carlo Mateo pic.twitter.com/z2kzGFrkgb
— DZBB Super Radyo (@dzbb) February 15, 2021
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, lumitaw na sakay ng puting Toyota Hi-Ace ang mga biktima nang pagbabarilin sila ng mga salarin na nakasakay naman sa asul na Hyundai Accent at puting white Toyota Wigo.
Tumakas ang mga salarin sa direksiyon ng Barangay Centro.
Naisugod sa ospital ang mga biktima pero binawian din sila ng buhay.
Nagsasagawa na ng hot pursuit at dragnet operation ang mga awtoridad para mahanap ang mga salarin.--FRJ, GMA New