Arestado sa Butuan City ang isang lalaki dahil umano sa panghahalay sa anak ng kaniyang kinakasama, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.
Batay sa imbestigasyon, 9-anyos pa lang ang biktima nang nagsimula siyang gahasain ng amain. Pero matapos ang apat na taon ay hindi na siya nakatiis at nagsumbong na siya sa kaniyang guro.
Sinamahan ng guro ang biktima sa presinto para magsampa ng reklamo, dahilan para arestuhin ang suspek na hindi nagbigay ng pahayag. —KBK, GMA News