Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Cebu City na nagbebenta ng pekeng quarantine pass.
Ibinebenta raw ang pekeng quarantine pass ng P20 kada isa, ayon sa ulat sa Unang Balita ng GMA News nitong Lunes.
Target daw na pagbentahan ang mga taong magsisimba sa Sto. Niño Basilica dahil kailangan ang quarantine pass bago makapasok dito.
Isinumbong ng isang empleyado ng City Hall ang suspek.
Umamin naman ang suspek sa pagbebenta ng pekeng quarantine pass at sinabing ginawa lamang niya ito dahil sa matinding pangangailangan.
Nasa modified general community quarantine ang Cebu City dahil sa COVID-19 pandemic. —KG, GMA News