Isang 26-anyos na lalaki ang nasawi matapos bumangga ang sinasakyan niyang motorsiklo sa isang kotse sa Unbiztondo, Pangasinan. Ang segunado-manong motorsiklo, kakabili lang daw ng biktima.

Sa ulat ni Russel Simorio ng GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Lunes, kinilala ang biktima na si Jeffrey Datuin.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na papaliko ang kotse na nabangga ng biktima.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon umano si Datuin.

Kaagad naman siyang nadala sa ospital pero binawian din ng buhay, ayon sa pulis.

Posible umanong hindi napansin ng biktima ang kotse na minamaneho ng isang retiradong miyembro ng Philippine Army.

Kuwento ng ama ng biktima na si Mang Diosdado, lumabas lang ng bahay kaniyang anak para subukan ang biniling motorsiklo.

Nasa bahay daw sila at may ginagawa nang may dumating at naghatid sa kanila ng malungkot na balita tungkol sa kinasangkutang aksidente ng anak.

Ayon sa ulat, tumanangging magbigay ng pahayag ang driver ng kotse.

Ang ama ni Datuin, humihiling ng tulong para mabigyan ng maayos na libing ang kaniyang anak.

Bukas siya na makipag-usap at makipagkasundo sa driver ng kotse dahil ayaw na umano niyang humantong pagsasampa ng kaso ang nangyari sa anak.--FRJ, GMA News