Pansamantalang sinuspinde ang regular session sa Sangguniang Panlungsod ng General Santos City matapos magpositibo sa COVID-19 ang isa sa mga konsehal sa kanilang lugar.

Sa ulat ni Darlene Cay sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Miyerkoles, sinabing bago pa man magpa-swab test at lumabas na positibo siya, nakaranas na ng lagnat at ubo ang naturang opisyal.

Kasalukuyan nang nagpapagaling ang konsehal sa ospital.

Sarado rin muna ang session hall para sa decontamination at disinfection. --Jamil Santos/FRJ, GMA News