Ipinauurong ng pamahalaang lokal ng lalawigan ng Sultan Kudarat ang pagbubukas ng mga paaralan sa 2021, kasunod ng pagkamatay ng isang guro nang dahil sa COVID-19.
Sinuspide rin umano ang pamamahagi ng learning modules dahil sa insidente.
Sa ulat ng "Unang Balita," sinabing nakahawa pa umano ng katrabaho ang naturang guro.
Nag-isyu na ng executive order ang gobernador ng lalawigan na si Gov. Teng Mangudadatu sa pag-urong ng pagbubukas ng eskuwela.
Nagpadala na rin umano ng sulat ang gobernador kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pasya ng pamahalaang lokal.
Wala pang pahayag ag Department of Education hinngil dito, ayon sa ulat. —LBG, GMA News