Arestado ang isang German national sa Pagadian City matapos umano itong lumabag sa quarantine protocols at makipagsagutan pa sa guwardiya ng mall na sumita sa kaniya, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.
Nagpumilit daw ang dayuhang si Hans Weber na pumasok sa mall kasama ang kaniyang live-in partner dala ang anak nilang sanggol kahit na bawal ilabas ng tahanan ang mga bata sa ilalim ng community quarantine guidelines.
Humingi naman ng paumanhin si Weber sa presinto.
Ayon sa pulisya, dati nang nakulong ang dayuhan dahil sa pang-aabuso sa dati niyang live-in partner na isa ring Pinay. --KBK, GMA News