Patay ang isang van driver sa Bacolod City matapos umanong saksakin ng isa ring van driver, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Kita sa kuha ng CCTV ang habulan ng dalawa. Kinilala ang suspek na si Wilferd Locsin habang ang biktima naman ay kinilalang si Raul Kanagat.

Paulit-ulit daw na sinaksak ng suspek ang biktima nang magpang-abot ang mga ito at hindi na naawat ng mga saksi.

Ayon kay Locsin na sumuko sa otoridad, napikon na raw siya sa paulit-ulit na pagbabanta sa kaniya ng biktima. --KBK, GMA News