Sugatan ang isang lalaki sa Palawan matapos atakihin ng buwaya, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Aabot sa 23 na sugat ang tinamo ng biktimang si Boyet Kayaw, na lumusong daw sa tubig habang papauwi nitong Huwebes nang nakaraang linggo.

Binalewala raw ni Boyet ang buwaya nung una dahil malayo ito pero bigla itong lumapit at sinakmal siya.

Tantiya ng biktima, nasa 10 talampakan ang buwayang umatake sa kaniya. --KBK, GMA News