Todo paghahanda na ang mga residente ng Camarines Norte sa hagupit ng bagyong Ambo, at nitong Huwebes ng hapon ay nakataas na ang Signal No. 2 sa lalawigan.
Sa bayan ng Mercedes ay maagang naitaas ng mga mangingisda ang kanilang mga bangka sa gilid ng dagat upang hindi ito mawasak ng naglalakihang alon.
Nitong Huwebes, maghapon na naging maaliwalas ang panahon sa buong probinsya maliban sa minsan ay bugso ng ulan.
Naabutan pa ng GMA News ang isang pamilya sa bayan ng Ragay na nagtatali na ng bubong ng kanilang bahay upang hindi ito matangay ng malakas na hangin.
May mga naglagay narin ng pabigat sa bubong ng bahay sa bayan ng Mercedes.
Sa bayan ng Labo ay nagsasagawa kasalukuyan ng forced evacuation sa 16 na barangay doonn. Posibleng umapaw ang Bosigon River na pinaka malaking ilog sa Camarines Norte.
Inililikas narin ang mga residente sa mga landslide-prone areas.
Inihabol ng LGU Labo ang pagbibigay ng rubber boats sa mga barangay na nasa tabing ilog.
Naghahanda naman ang ibang residente sa paglikas.
Naka alerto na ang PDRRMO, AFP, PNP, BFP sa buong probinsya ng Camarines Norte ganon rin ang mga bayan.
Inaasahang hahagupit ang bagyo sa lalawigan bukas, Biyernes. —LBG, GMA News