Patay sa pananambang ang isang beterinaryo sa Talisay, Cebu, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.
Pauwi na ang biktimang si Dr. Niel Boligao mula sa palengke nang pagbabarilin siya ng mga nakamotorsiklong salarin.
Ayon sa mga pulis, posibleng negosyo ang ugat ng krimen.
Lumalabas na bukod sa pagiging beterinaryo, suma-sideline din ang biktima bilang supplier ng karne sa palengke.
Mayroon nang mga person of interest sa krimen, pero patuloy pa sa pangangalap ng ebidensya ang mga pulis. —KBK, GMA News