Nagulungan ng pick-up truck ang 1-taong gulang na bata sa San Carlos City, Negros Occidental, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.
Base sa imbestigasyon, nakatayo sa gilid ng kalsada ang biktimang si Princess Kim Pacunla kasama ang kaniyang mga magulang.
Sandaling nalingat ang ama nito para ayusin ang kanilang mga dalang gamit. Hindi nito namalayan na napunta na ang bata sa kalsada.
Tiyempo namang may paparating na pick-up truck at hindi napansin ng driver ang bata.
Nagbigay naman ang driver ng tulong pinansyal sa pamilya ng biktima. —KBK, GMA News