MAUBAN, Quezon - Patay ang 21-anyos na drayber ng isang kompanya sa Barangay Cagsiay 2 sa Mauban, Quezon matapos itong aksidenteng mabaril ng security guard habang nililinis nito ang kanyang shotgun nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Jerome Arquilla na dead on arrival sa isang pagamutan sa Mauban.

Nagtamo si Arquilla ng tama sa kanyang dibdib na agad niyang ikinamatay.

 

Dito naglilinis ng shotgun ang security guard na si Francis Obal nang aksidenteng mabaril ang drayber na si Jerome Arquilla nitong Lunes, Pebrero 24, 2019, sa Mauban, Quezon. Mauban Municipal Police Station

 

Agad namang sumuko ang security guard na kinilalang si Francis Obal.

Hawak na si Obal ng Mauban Police at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Hindi na nagbigay ng pahayag ang security guard. —KG, GMA News