Pumanaw na sa edad na 86 ang Archbishop Emeritus ng Cebu na si Ricardo Cardinal Vidal nitong Miyerkules.

Binawian ng buhay si Cardinal Vidal habang nakaratay sa Perpetual Succor Hospital sa Cebu City kung saan isinugod siya noong Miyerkules, October 11.

 

 

Dinala sa ospital ang arsobispo matapos umanong mahirapang huminga.

Nagsilbing arsobispo ng Cebu si Dival sa loob ng 29 na taon matapos na magretiro noong 2011. — FRJ,  GMA News