Nanumpa na si Dante Francis Mariano Ang II bilang chairperson ng Commission on Filipinos Overseas (CFO) nitong Biyernes.

Nanumpa si Ang, chairman ng The Manila Times, kay Executive Secretary Lucas Bersamin.

Pinirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang appointment paper ni Ang nitong October 16, 2024.

Sa Facebook page, ipinaliwanag ng komisyon na hindi mga overseas Filipino workers ang kanilang kliyente kung hindi ang mga, "Filipino permanent residents abroad, emigrants, immigrants, marriage migrants, Au Pairs bound for Europe, and US Exchange Visitor Program Participants."

Sa kanilang website, inihayag na ang CFO ay "isang ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga sa interes, karapatan at kapakanan ng mga Pilipino sa ibayong dagat at pinatatatag ang kanilang ugnayan sa Pilipinas, ay nangangakong epektibo at episyenteng maghahatid ng mga patakaran, programa at serbisyo para sa kapakanan at pagpapalakas ng komunidad ng mga Pilipino sa ibayong dagat."

Sa ilalim ng Batas Pambansa Blg. 79, ang "primary clientele" umano ng CFO ay:

  •     Filipino permanent migrants or permanent residents abroad
  •     Filipinos overseas who have become naturalized citizens of other countries or dual citizens
  •     Filipino spouses and other partners of foreign nationals leaving the country
  •     Descendants of Filipinos overseas, as defined in Batas Pambansa Blg. 79
  •     Filipino youth overseas
  •     Exchange Visitor Program participants
  •     Filipino Au Pair participants

-- FRJ, GMA Integrated News