Patay matapos pagbabarilin ang isang babaeng punong-barangay, habang sugatan ang isang motorcycle-for-hire driver sa Leyte, Leyte nitong Huwebes.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak nitong Biyernes, kinilala ang biktima na si Mary Ann Orillano, punong-barangay ng Mataloto.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang mga biktima nang pagbabarilin sila ng Barangay Bagabao, dakong 4:00 pm noong Huwebes.

Nakatakas ang salarin na inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan, pati na ang motibo sa krimen. -- FRJ, GMA Integrated News