May mga bagong karakter na aabangan sa pagbabalik ng dambuhalang teleserye ng GMA 7 para sa ikalawang season ng “Lolong."

Nitong Biyernes, ipinakilala ang mga bagong cast ng serye na "Lolong: Bayani ng Bayan," na pangungunahan pa rin ni Ruru Madrid.

Magiging pangunahing kontrabida sa serye si John, na gaganap bilang si Julio Figueroa, isang makapangyarihang negosyante na lider din ng grupo ng mga kriminal.

Bagong kasama rin sa serye sina Martin Del Rosario, na tauhan ni Julio, at ang veraitile actor na si Nikko Natividad.

 

(Photo courtesy: GMA Public Affairs/FB)

Kabilang din sa cast sina Rocco Nacino, Alma Concepcion, Tetchie Agbayani, Klea Pineda, Leo Martines, at marami pang iba.

Magsisimulang mapanood ang "Lolong: Bayani ng Bayan" sa GMA sa January 20, 2025. — FRJ, GMA Integrated News