Nagtipon-tipon ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong para ipagdiwang ang Pasko.
Sa ulat ng GTV "State of the Nation" nitong Lunes, sinabing napuno ng iba't ibang Paskong Pinoy decor ang Chater Road Central.
Ang mga dekorasyon ay likha ng iba't ibang grupo ng OFW. May mga gawa sa gulay, prutas at recyclable materials.
Hindi rin umano nawala sa selebrasyon ang sayawan at kantahan. --FRJ, GMA Integrated News