Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Hans Leo Cacdac bilang officer-in-charge ng Department of Migrant Workers (DMW), ayon sa Malacañang nitong Miyerkules.
Ang pagtatalaga kay Cacdac sa naturang posisyon ay kasunod ng pagpanaw noong Agosto ng kalihim ng DMW na si Susan "Toots" Ople.
Bago hirangin na OIC, nagsisilbi bilang undersecretary ng DMW si Cacdac. Naging administrator din siya ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Samantala, inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) na itinalaga ni Marcos si Jennifer Pia Las bilang bagong chairperson ng Department of Social Welfare and Development National Commission on Indigenous Peoples.
Itinalaga naman si Jose Lim IV bilang Assistant Secretary sa Department of Transportation. — FRJ, GMA Integrated News