Sinimulan nitong Lunes ng "junior doctors" sa mga ospital sa United Kingdom ang kanilang three-day strike para humingi ng dagdag na sahod. May katulad na protesta rin umano na gagawin ang mga guro, train staff at iba pang mga kawani sa linggong ito.

Sa ulat ng Agence France-Presse, irereklamo umano ng mga doktor na umabot na 26 percent ang kanilang naging pay cut mula 2008 dahil sa inflation.

Bago ang welga, naglabas ng advertising campaign ang grupong kumakatawan sa mga doktor na British Medical Association (BMA), na nagsasabing mas maliit pa umano ang sahod ng mga bagong qualified doctor sa kinikita ng mga nagtatrabaho sa coffee shop.

"Pret a Manger has announced it will pay up to £14.10 ($17.13) per hour," ayon sa ad .

"A junior doctor makes just £14.09. Thanks to this government you can make more serving coffee than saving patients. This week junior doctors will take strike action so they are paid what they are worth," patuloy nito.

Sa Miyerkules, inaasahan umano ang pagtigil din sa trabaho ng iba pang manggagawa tulad ng mga guro, London Underground train drivers, BBC journalists, at university staff.

Mula pa noong nakaraang taon, kabi-kabilang welga na ang dinanas ng UK mula sa hanay ng mga nurse at ambulance staff, maging mga abogado, dahil sa mataas na bilihin at serbisyo.

May mga nagpahayag ng suporta sa kahilingan ng mga junior doctor, o mga qualified physician na karaniwang ilang taon pa lang ang karanasan.

"For my most junior colleagues the issue is that they are financially burdened by debt and their income doesn't allow them to have the security that they should expect," sabi sa AFP ni Vincent McCaughen, 37, nagsasanay na maging specialist cardiologist.

"People who feel more secure financially, who have a standard of living that hasn't got worse, will be able to engage more of their emotional energy in their patients," pahayag niya sa picket line sa labas ng St Bartholomew's Hospital sa central London.

Nagbabala ang mga lider ng mga duktor at nurses na napipilitang magtrabaho sa ibang bansa ang kanilang mga kasamahan dahil sa hindi magandang kondisyon at pasahod.

"Is it any surprise that junior doctors are looking for jobs abroad or in other fields when the government is telling them they are worth more than a quarter less than they were in 2008?" sabi sa pahayag nina Robert Laurenson at Vivek Trivedi, co-chairs ng BMA junior doctors' committee.

Tinawag naman ni Health Secretary Steve Barclay na "incredibly disappointing" ang ginawang welga ng BMA.

Ayon kay Barclay, tinanggihan ng grupo ang mungkahi na huwag magwelga habang nagkakaroon ng negosasyon sa sahod.

Nagpasya naman umano ang ibang unyo na kumakatawan sa mga nurse at ambulance workers na huwag sumali sa welga habang patuloy ang pag-uusap sa linggong ito. -- AFP/FRJ, GMA Integrated news