Ilang Filipino ang apektado sa nangyaring pagbaha sa Saudi Arabia bunga ng ilang araw na malakas na pag-ulan.
Sa ulat ni Emil Sumangil sa GTV News "State of the Nation" nitong Lunes ng gabi, sinabing bihirang makaranas ng pag-ulan sa nasabing bansa sa Middle East.
Nasaksihan ng ilang Pinoy sa Jeddah ang mataas na baha sa kalsada na dahilan para malubog sa tubig at tumirik ang ilang sasakyan.
Nahila naman ang mga sasakyan kinalaunan at gumamit ng mga makina ang awtoridad para masipsip ang tubig at maalis ang baha.-- FRJ, GMA Integrated News