Inanunsyo ng Department of Labor and Employment na itinigil na muna ng kagawaran ang pagproseso sa mga dokumento ng mga bagong hire na domestic workers na pupuntang Kingdom of Saudi Arabia.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Lunes, sinabing ang desisyon ay kasunod nang nangyaring pang-aabuso umano ng isang dating heneral sa KSA sa kaniyang mga Pinay domestic worker.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, maglalabas sila ng mas mahigpit na panuntunan para hindi na mapunta ang mga OFW sa mga blacklisted na employer.
Nilinaw naman ni Bello na hindi apektado sa kautusan ang mga kontrata na ni-renew at pati na ang mga skilled worker.--FRJ, GMA News