Pansamantalang itinigil ng Pilipinas ang pagpapadala ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Oman matapos na ipagbawal ng naturang bansa na papasukin doon ang mga galing sa Pilipinas.

Kinumpirma ngayong Biyernes ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang naturang desisyon na nakasaad sa Board Resolution ng Philippine Overseas Employment Administration.

"Yes, a POEA Board Resolution was issued  suspending deployment of our workers to Oman," saad ni Bello sa panayam ng GMA News Online.

Sinabi ni Bello na ang desisyon ay base sa rekomendasyon na rin nb Department of Foreign Affairs (DFA) matapos na magpalabas ng kautusan ang Oman na huwag magpapasok ng mga naglalakbay mula sa Pilipinas.

"Last Monday, we received such referral from the DFA. They informed us that the Oman government came up with an order banning entry of Filipino travelers and even those travelers who passed through the Philippines," ani Bello.

"As such, the DFA recommended to us to suspend our deployment to Oman," dagdag niya.  —FRJ, GMA News