Kahit tagalinis ng bahay at tagapamalantsa, walang maliit na uri ng trabaho para kay April Medina, isang OFW sa Italy. Kaya naman basta't mayroon pa siyang oras, wala siyang trabahong tinatanggihan.
"Yung naman ang kailangan talaga diskarte," sabi ni Medina pagdating sa trabaho. "At saka yung tibay ng loob at saka yung determinasyon mo."
Sabi pa niya, "Basta nga may nag-alok sa akin, "O baka may extrang time ka pa.' Sige-sige ok agad ako."
Kilalanin si Medina, na kahit ang isang araw na kaniyang day-off ay ginagamit pa niya upang kumita ng extra sa pamamagitan ng pagluluto na kaniyang idinedeliber sa mga kababayan sa Italy.
Tunghayan ang kaniyang kuwento sa video na ito ng "New Normal," at kilalanin din ang OFW vlogger sa Dubai na si Junie Sorsano, na iniwan na ang kaniyang trabaho sa corporate world upang tutukan ang kaniyang pagiging online at TV host, at negosyo. Panoorin.
--FRJ, GMA News