Umakyat sa 11,117 ang mga Pinoy sa abroad na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos madagdagan ng siyam, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa datos ng DFA nitong Miyerkules, sinabing isang Pinoy sa abroad din ang nasawi pa sa virus para sa kabuuang bilang na 811.
Nasa 7,172 naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling matapos na madagdag ng dalawa.
Sa ngayon, nasa 3,134 na pasyente pa ang ginagamot.
14 October 2020
— DFA Philippines (@DFAPHL) October 14, 2020
Figures today show 9 new confirmed cases, 2 new recoveries, & 1 new fatality due to COVID-19 among Filipinos in Asia and the Pacific and the Middle East. (1/3)@teddyboylocsin pic.twitter.com/Oy0YOGwwFh
Sa datos pa ng DFA, nakasaad na 1,742 ang COVID-19 cases ng mga Pinoy sa abroad sa Asia and the Pacific Region. Sa naturang bilang, 507 ang ginagamot pa, 1,226 ang gumaling at siyam ang nasawi.
Sa Middle East/Africa, umabot sa 7,356 ang mga Pinoy na may COVID-19. Patuloy na ginagamot ang 2,290, gumaling na ang 4,537 at 529 ang nasawi.
Sa Europe naman, 1,209 ang kabuuang kaso ng mga Pinoy doon ang nahawahan ng virus. May naitalang 95 na nasawi, 171 ang ginagamot pa, at 943 ang gumaling na.
Sa Americas, 810 ang kaso at 166 sa kanila ang patuloy na ginagamot, 466 ang gumaling at 178 ang nasawi. --FRJ, GMA News