Binigyan ng pagkilala ng gobyerno ng New York City ang hirap at sakripisyo ng mga Pilipinong frontliner doon sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ang pagkilala ay bahagi ng pagdiriwang ng Filipino American History Month, ayon sa "Unang Balita" nitong Miyerkules.
Pinasalamatan ni Mayor Bill de Blasio ang Pinoy frontliners sa kontribusyon nila para manatiling matatag ang lungsod, na sentro ng pandemya sa buong mundo.
Ang mga Pilipino ang ikalawang pinakamalaking Asian community sa Amerika, kung saan halos kalahati ay mga doktor, nurse, at health workers. —LBG, GMA News