Nadagdagan ng 43 ang mga Pinoy sa abroad na gumaling sa COVID-19. Dahil dito, 6,220 na ang kabuuang bilang ng mga overseas Filipino na nagtagumpay sa kanilang laban sa virus.
Sa datos na inilabas ng Department of Foreign Affairs nitong Huwebes, isa lang ang nadagdag sa mga bagong kaso ng Pinoy sa abroad na nahawahan ng COVID-19 para sa kabuuang bilang na 10,097.
Nanatili naman sa 757 ang mga nasawi.
03 September 2020
— DFA Philippines (@DFAPHL) September 3, 2020
Today, the DFA confirms 43 new recoveries of Filipinos abroad from COVID-19 reported in Europe. Meanwhile, 1 new confirmed case was reported in Asia and the Pacific, and no new fatalities anywhere. (1/2)@teddyboylocsin pic.twitter.com/YBRYkyi6CW
Nananatili ang Middle East/Africa sa may pinakamataas na bilang ng mga Pinoy sa abroad na may COVID-19 na 6,975. Sa naturang bilang, 476 nasawi at 4,164 ang gumaling.
Sumunod naman ang Europe na may 1,166 infections, 95 fatalities at 803 recoveries.
Sa Asia Pacific Region, 1,158 Pinoy ang nahawahan ng virus, walo ang nasawi at 799 ang gumaling.
Sa Americas naman, 798 ang mga Pinoy nagka-COVID-19, 178 ang nasawi at 454 ang gumali.
“The DFA shall continue to keep track of the status of Filipinos abroad and stands ready to assist and facilitate repatriations, whenever possible,” ayon sa pamahayag. — FRJ, GMA News