Dalawang linggong isasara simula nitong Huwebes ang embahada ng Pilipinas sa Kuwait matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isang kawani nila.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabing binanggit ng embahada kung kawani ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) o Philippine Overseas Labor Office (POLO), ang nagpositibo sa virus.
Isasailalim umano sa 14-day quarantine ang naturang kawani.
Bagaman sarado ang embahada hanggang sa Hulyo 16, patuloy naman umano bukas ang hotline ng embassy, POLO at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA.—FRJ, GMA News