Umabot na sa 2,431 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa abroad na dinapuan ng coronovirus desease 2019 (COVID-19). Ang bilang ng mga gumaling, 849 naman.

Sa inilabas na datos ng Department of Foreign Affairs nitong Martes, sinabing 26 ang panibagong kaso ng COVID-19 sa mga Pinoy sa abroad.

Pinakamarami pa rin sa mga kaso ang nasa Europe at may kabuuang 736, na sinundan ng Middle East/Africa na may 705 na kaso.

Nasa 543 ang bilang ng mga Pinoy sa abroad na may COVID-19 sa Americas, at 447 naman sa Asia Pacific Region.

 

 

Nadagdagan naman ng 21 ang bilang ng mga gumaling para sa kabuuang bilang na 849. Samantalang isa naman ang nadagdag sa listahan ng mga pumanaw dahil sa komplikasyong dulot ng virus, para sa kabuuang bilang na 280.

Nasa Americas pa rin ang may pinakamaraming Pinoy sa abroad na nasawi dahil sa COVID-19 na umabot sa 149. Samantalang 85 naman ang nasawing Pinoy sa Europe, 44 sa ME/Africa, at dalawa pa rin sa Asia Pacific Region.

Pinakamarami naman sa mga gumaling ang nasa Asia Pacific Region na 324, sumunod ang Europe na may 227. Sa Americas, 204 na ang gumaling at 94 naman sa ME/Africa.--FRJ,GMA News