Nilinaw ni Kyline Alcantara na wala pa silang official relationship ni Mavy Legaspi.

"Sa amin po ni Mavy, wala pa naman pong official relationship," sabi ni Kyline sa panayam sa kaniya sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa 24 Oras nitong Miyerkules.

Kitang kita ang chemistry kina Kyline at Mavy nang magtambal sila sa I Left My Heart in Sorsogon, at nagpakilig din sila sa concert stage.

Dagdag ni Kyline, humingi na rin siya ng payo sa ilang mga kaibigan pagdating sa lovelife.

"Lagi kong nakakausap about love is si Barbie (Forteza) and si Bianca (Umali), kasi sila talaga 'yung may pinakamahaba nang years of having a relationship," sabi ni Kyline.

May upcoming series sina Kyline at Mavy na "Luv is: Love at First Read."

Gaganap si Kyline bilang si Abby, habang gaganap naman si Mavy bilang si Kudos. -- Jamil Santos/BAP, GMA Integrated News