Double dose of kilig ang ihahatid ng Sparkle sweethearts sa 2023! Kabilang diyan ang ‘Team Jolly’ at ‘Team MavLine’ na bibida sa first-ever digital series ng GMA Public Affairs.
Sa ulat ni Aubrey Carampel sa “24 Oras” nitong Martes, sinabing magpapakilig sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa first-ever digital series ng GMA Public Affairs na ‘In My Dreams.’
Ang series, na may konsepto ng magical realism at romance, ay mula sa creators ng hit Kapuso fantasy series na ‘The Lost Recipe.’
“It’s something different sa lahat ng nagawa namin since mayroon nga po siyang touch of magic realism. And feeling ko, para rin sa mga audience, it’s gonna be exciting kasi parang ngayon lang siya mapapanood sa generation namin,” ani Sofia.
“Kasi nung mabasa pa lang namin ‘yung storyline, laging ang ganda ng twist niya tapos ‘yung story din talaga nakakakilig. Kaya ngayon pa lang talaga nang binasa namin, Wow super excited!” diin pa ni Allen.
Samantala, tampok din sila Mavy Legazpi at Kyline Alcantara sa isa pang digital series na 'Zero Kilometers Away', na sesentro sa online dating.
“For sure maraming makaka-relate kahit anong generation man kasi super nauuso ngayon ang mga dating apps,” saad ni Kyline.
Ayon pa kila Mavy at Kyline, very up to date din ang story ng series lalo na para sa kanilang Gen-Z.
Bukod sa showbiz commitments, abala rin ang 'Team MavLine' sa kanilang vodcast kung saan napag-uusapan ang iba't ibang perspective nila tungkol sa love and life.
“Napaka-solid ng story because nakaka-relate din ang digi-series at saka laman ng podcast po namin sa iba’t ibang klase ng romance and love,” ani Mavy.
Mapapanood ang ‘In My Dream’ sa January at sa February naman ang ‘Zero Kilometers Away’ sa Youtube at Facebook pages ng GMA Network. -- Mel Matthew Doctor/BAP, GMA Integrated News