Muling gagampanan ni Henry Cavill ang iconic superhero na si Superman.

"I want to make it official, that I am back as Superman," sabi ni Henry sa kaniyang Instagram, na mapapanood din sa Unang Balita nitong Miyerkules.

Bago ang kumpirmasyon ni Henry, napanood ang mid-credits cameo ng Hollywood aktor na suot ang Superman cape sa Black Adam.

Taong 2013 nang unang gumanap si Henry bilang si Superman sa pelikulang Man of Steel.

Taong 2017 naman ang huling portrayal niya sa iconic superhero sa Justice League. —Jamil Santos/LBG, GMA News