Nakatanggap ng parangal ang ilang programs at personalities ng Kapuso Network sa Gandingan Awards 2022.
Sa Unang Balita ni Vonne Aquino nitong Martes, sinabing ginawaran bilang Most Development-Oriented Feature Story ang Bantay Kalikasan: Used Face Masks in Batangas Coral Reefs ng "Balitanghali" (GTV).
Itinanghal na Best News Anchor si Raffy Tima habang Most Development-Oriented Magazine Program ang "Brigada."
Kinilala rin si Kara David bilang Best TV Program Host para sa "Brigada."
Nakuha ng "The Atom Araullo Specials" ang Most Development-Oriented Documentary Program habang Most Development-Oriented Investigative Story ang Lilibeth Frank, Sonya at Fabel ng "Reporter's Notebook."
Nakakuha ng tatlong parangal ang "I-Witness:" Most Development-Oriented Educational Program, Most Development-Oriented Youth Program, at Most Development-Oriented Environmental Program.
Natanggap naman ni Drew Arellano ang Special Citation sa Gandingan ng Edukasyon para sa programang "Aha!" habang Special Citation sa Gandingan ng Kabuhayan din si Susan Enriquez para sa "Pera Paraan."
Natanggap ng "Nakikita Kita" ng GMA Regional TV ang Most Development-Oriented TV Plug.
Nakuha ng "First Yaya" ang Most Development-Oriented Drama Program habang pinarangalan ang "All-Out Sundays" bilang Most Development-Oriented Musical Segment/Program.
Most Development-Oriented Radio Plug naman ang "Kurtesiya Na, Disiplina Pa" ng dzBB.
Natanggap nina Arnold Clavio at Connie Sison ang Best AM Radio Program Hosts.
Itinanghal namang Best Field Reporter si Mark Makalalad.
Natanggap ng "Barangay Love Stories: Bagong Bayani" ang Most Development-Oriented Radio Drama habang nakuha ni Renzmark "Papa Dudut" Ricafrente ang Best FM Radio Program Host. —Jamil Santos/VBL, GMA News