Nakaranas ng pagbaha sa Ermita, Maynila kasunod ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na naranasan sa Metro Manila at karatig probinsya.
Sa isang tweet ni Carlo Mateo ng Super Radyo dzBB, makikitang sinusulong ng mga commuter at motorista ang UN Avenue corner ng Taft Avenue bago mag alas-siyete ng gabi.
As of 6:55PM, baha sa bahagi ng UN Ave cor Taft Ave, Ermita, Manila. | via Carlo Mateo pic.twitter.com/IgdyCxHfBU
— DZBB Super Radyo (@dzbb) March 12, 2022
Pahirapan din ang pagdaan ng ilang motorista sa T.M. Kalaw malapit sa Taft Avenue.
As of 7:03PM, Bahagi ng TM Kalaw malapit sa Taft Ave, maynila, binaha rin. | via Carlo Mateo pic.twitter.com/Y8wHbYnhUG
— DZBB Super Radyo (@dzbb) March 12, 2022
Ayon pa sa ulat, naging stranded ang ilang mga pasahero sa lugar.
Kinansela naman ang campaign rally ng BBM-Sara UniTeam sa Parañaque City dahil sa malakas na buhos ng ulan.
"Naka-dalawang ulan na 'to kanina pa. Ang expected namin dito at least 50,000 na crowd. And yet nakita n'yo naman 'yung ibang kababayan natin ayaw umalis. In behalf of UniTeam, ako'y nagpapasalamat sa lahat ng mga nandirito. Lumalakas na ang ulan at talagang magkakasakit sila, but we need to call this off, pero babalik kami sa Parañaque City, pangako po namin 'yon," sabi ni dating Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos, campaign manager ni presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Kinansela ang grand rally ng UniTeam sa Paranaque City ngayong gabi matapos bumuhos ang malakas na ulan @gmanews pic.twitter.com/tJEc70Lh54
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) March 12, 2022
Bago nito, naglabas ang PAGASA ng thunderstorm advisory na makakaapekto sa Metro Manila, Pampanga, Laguna, Quezon at Batangas na makakaapekto sa susunod na tatlong oras.
As of 5:08PM, @dost_pagasa, naglabas ng thunderstorm advisory na makakaapekto sa Metro Manila, Pampanga, Laguna, Quezon at Batangas na makakaapekto sa susunod na tatlong oras. | via @Rodveg72 @dost_pagasa pic.twitter.com/7p99XKUrr8
— DZBB Super Radyo (@dzbb) March 12, 2022
— Jamil Santos/VBL, GMA News