Sa tulong ng mga kabaro, nag-propose ang isang bumbero sa kaniyang nobya sa kapitolyo sa Tarlac, na nakatanggap naman ng isang matamis na "oo."
Mga long-stemmed roses ang sumalubong sa dalagang si Shiela Ann, ayon sa ulat ng GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado.
Napaiyak ang dalaga sa paglabas niya sa kapitolyo na kaniyang pinagtatrabahuhan nang makita niyang papalapit ang nobyong si Silus.
Pagkatapos ng kanilang mahigpit na yakapan, lumuhod na ang binata saka inalok ng kasal ang kaniyang nobya.
Matamis na oo naman ang ibinigay sa kaniya ni Shiela. — Jamil Santos/DVM, GMA News