Ipinakilala si Bianca De Vera bilang bagong housemates sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition."
May moniker na "Sassy Unica Hija ng Taguig," ipinakilala si Bianca ng host na si Gabbi Garcia ang "katukayo" ni Bianca Gonzalez sa episode nitong Martes.
Sa pagpasok ni Bianca sa bahay ni Kuya, pantay na ang bilang ng mga Kapamilya at Kapuso housemates.
Bilang twist, magkakaroon muli ng mga bagong kaparehas ang mga housemate na ihahayag sa susunod na episode.
Hindi na bago si Bianca sa collab ng GMA Network at ABS-CBN. Nakasama rin siya sa 2023 collab series ng dalawang network na "Unbreak My Heart," na nakasama niya sina Gabbi at kapuwa housemate na si Will Ashley. — mula sa ulat ni Josiah Antonio/FRJ, GMA Integrated News